©NovelBuddy
Infinito: Salinlahi-Chapter 46
Chapter 46 - 46
Naging usap-usapan sa bayan ng Luntian ang muling pagbabalik ni Roger. Dahil sa sobrang tuwa ay kulang na lang magpapiyesta si Silma habang ipinapamalita ang muling pagbabalik ng kaniyang asawa. Naging maugong ang balitang ito hanggang sa umabot ito sa pandinig ni Esmeralda.
"Talaga, nakabalik na si Tiyo Roger."
"Oo sobrang tuwa nga daw ni Aling Silma, sana lang mabawasan na ang katarayan niya, ngayong narito na ang asawa niya." Isinalang na ni Mateo ang hawak na kaldero sa kalan. Kasalukuyan silang nasa labas ng bakuran at doon nagluluto ng kanilang pananghalian.
"Hindi na nila isinapubliko kung saan nanggaling si Mang Roger, sinabi na lang na nagtrabaho ito sa ibang lugar at hindi agad nakabalik. May mga usap-usapan pa nga na nagkaroon daw ng kabit si Mang Roger, at bumalik lang nang iniwan siya ng kinakasama niya." Dagdag pangnkuwento ni Mateo.
"Grabe namang isyu 'yan, ang mga tao talaga, walang magawa, gagawa at gagawa ng isyu." Umiiling na wika ni Dodong.
"Likas na sa mga tao iyan. Hayaan mo sila," agad naman pinutol ni Esme ang usapan nilang iyon. Sa isip-isip niya, hindi naman mahalag iyon para paglaanan pa nila ng oras. Sa ngayon ay natutuwa siya na nakabalik na ang asawa ng tiyahin niya.
Matapos makapagluto ay sabay na rin silang kumain. Nasa kalagitnaan na sila ng tanghalian nang dumating naman si Ismael sa kubo. Agad nila itong inaya na sumabay na ito sa kanila.
"Tamang-tama pala ang dating ko," wika ni Ismael at naupo na sa tabi ni Esmeralda.
Matapos kumain ay si Dodong na ang nagligpit ng kanilang pinagkainan, naglakad-lakad naman si Ismael sa bakuran kasama si Esmeralda at tumayo sila sa harap ng malaking puno ng mangga.
"Alam kong nabalitaan mo na ang nangyari sa bahay. Dumating na ang Tiyo Roger mo, maaari ba kayong umuwi muna ni Dodong sa bahay? Para naman kahit papaano ay makompleto ang pamilya natin. Kahit para na lang sa amin ng lolo mo." Tila nag-aalangan pang wika ni Ismael.
Napangiti si Esmeralda at bahagyang tumango. Alam niyang mangyayari iyon at naihanda na rin naman niya ang sarili. Mas maigi na rin iyon para makita niya ang tiyuhin niya na minsang nagtangka sa buhay niya. Nais niyang maliwanagan kung bakit ganoon na lang kabigat ang naging parusa sa lalaki. Nais niyang malaman kung ano ba talaga ang ginawa nito sa kaniya.
"Sige po amang, naiintindihan ko po. Ipaghahanda ko lang po ng masusuot si Dodong para naman maging presentable siya sa mata nila." Sang-ayon ni Esmeralda.
"Sige, o,ito kunin mo idagdag mo muna para mabilhan mo na rin ang sarili mo ng bagong damit. Ikaw na ang bahala." Inabot ni Ismael ang pera na hindi naman hinindian ng dalaga.
"Salamat amang, bukas ho, uuwi kami," tugon ni Esmeralda at maluwag na napangiti naman si Ismael.
Nang hapon ding iyon ay magkasamang pumunta sa bayan sina Dodong, Mateo at Esmeralda. Naging matiwasay naman ang kanilang pamimili at bukod aa mga damit at bumili na rin sila ng bagong tsinelas at isinabay na rin nila si Mateo.
Kinabukasan, maaga pa lamang ay umuwi na sina Esmeralda at Mateo sa bahay ni Armando. Sa gulat nila ay hindi nagbunganga si Silma. Hindi sila nito inimik at tanging tango lang ang tugon nito matapos nila itong batiin.
"Aba, himala yata ate, mabait si Aling Tiya Silma ngayon," pabulong na puna ni Dodong.
"Hayaan mo na, mamaya marinig ka pa, maganda nga iyon, hindi magkakagulo," mahinang tugon naman ni Esmeralda.
Pagkapasok ay agad naman silang sinalubong ng isa pa nilang Tiyahin. Kabaligtaran ng pakikitungo ni Silma sa kanila ang init ng salubong ni Margarita sa dalaga.
"Esme, naku ang laki-laki mo na. Dalagang-dalaga ka na talaga. Kamusta ka na?" Mahigpit na yakap ang agad na pumukaw sa atensiyon ni Esmeralda. Napangiti naman si Esmeralda at gumanti ng yakap rito.
"Tiya Rita. Maayos po ako. Kayo ho kamusta? Mukhang lalo kayong gumaganda ah." Tugon ni Esmeralda, malapad ang pagkakangiti ng ginang sa kaniya. Tulad ng dati, mainit pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya katulad ng nararamdaman niya sa Lolo Armando at Amang niya.
"Siyanga pala Tiya Rita, si Dodong, inampon na rin po siya ni Amang kaya kapatid ko po siya."
Napayuko ang ginang at kumislap ang mga mata nito nang makita si Dodong.
"Aba, kay gandang bata naman nito. Kamusta ka Dodong, ako ang Tiya Rita mo, bunsong kapatid ako ng Tatay Ismael mo."
"Kamusta rin po kayo Tiya Rita, kinagagalak ko po kayong makilala." Sagot ni Dodong. Bakas sa mukha ng ginang ang pagkaaliw kay Dodong kaya hinayaan naman ito ni Esmeralda. Dahil maraming inaasikaso sa kusina, tumulong na rin doon si Esmeralda.
"Esme, pakihiwa naman nitong mga patatas, isabay mo na rin ang iba pang gulay na kakailanganin natin para mamaya," utos ni Ismael.
The 𝘮ost uptodat𝑒 novels are pub𝙡ished on freeweɓnovēl.coɱ.
"Sige po amang." Kinuha na ng dalaga ang isang basket ng gulay na iniabot sa kaniya ng ama. Dinala niya iyon sa tarog at doon hinugasan. Dahil maraming ginagawa sa kusina, maging ang lababo ay puno na rin, may tatlong ginang doon na siyang nag-aasikaso naman ng mga karne, kaya minabuti na niyang dalhin iyon sa likod bahay kung saan may tarog sila na siyang kuhaan din nila ng malinis na tubig. Konektado kasi iyon sa bukal sa kabundukan na kita lamang sa likod ng bahay nila.
Isa-isa niyang hinugasan ang mga gulay at habang ginagawa iyon, may malamig na hangin ang biglang dumaan na siyang nagpataas ng mga balahibo sa kaniyang katawan. Nang paglingon naman niya ay wala siyang nakita kun'di ang malawak na talahiban at ang mayabong na bundok.
Pinagkibit-balikat lang niya ito at muli nang binalingan ang gulay na hinuhugasan.
"Ate!"
"Ay, Tiyanak!" Kamuntikan nang mabitawan ni Esmeralda ang hawak na patatas nang biglang sumulpot sa harapan niya si Dodong kasama ang anak ng tiyahin nilang si Margarita. "Dodong naman, bakit ka ba nanggugulat?"
"Kasi Ate, pupunta lang kami ni Ana doon sa puno ng kaimito, mangunguha kami ng bunga, abala si tatay kaya sa'yo na lang kami magpapaalam." Wika ni Dodong. Napatingin naman si Esmeralda sa bunsong anak nng tiyahin niya at kumuha ito ng luyang itim mula sa kaniyang bulsa.
"Ana, ilagay mo ito sa bulsa mo. huwag mong iwawala ha, mag-iingat kayo doon. Dodong bantayan mo ng mabuti si Ana, ikaw ang lalaki at ikaw ang mas matanda sa kaniya." paalala ni Esmeralda.
"Opo ate, ako na po ang bahala sa kaniya." Masayang tugon ni Dodong at nagmamadali nang nagtatakbo ang mga ito. Muling napakibit-balikat naman si Esmeralda at muli nang itinuon ang pansin sa kaniyang ginagawa. Pagkatapos at bumalik na siya sa loob ng kusina at hiniwa na ang mga ito.
Halos patanghali na rin nang matapos sila sa paghahanda. Naglatag sila ng isang mahabang mesa kung saan nila inilagay ang mga pagkain na niluto nila. May iilan naman mga kapit-bahay ang nagsidatingan upang batiin si Silma at ang pamilya nila. Napapangiti lang si Esmeralda habang kasama si Ismael na pinagmamasdan ang kapatid at ang pamilya nito.
"Amang, nasuri niyo po ba ang tiyo?" tanong ni Esmeralda.
"Oo, anak. Maayos naman pero may ilang parte lang na pinagtataka namin ng lolo mo. Ang alam ko kasi, hindi gano'n-gano'n lang na nagpapakawala ang mga engakanto ng mga pinaparusahan nila, lalo pa't walang naging alay o kahit paghingi lamang ng tawad."
"Baka naman ho, humingi ng tawad si Tiyo at pinatawad na siya." Wika naman ni Esmeralda ngunit umiling si Ismael.
"Sana nga anak, sana nga. Ayoko man mag-isip ng masama pero kailangan pa rin namin tingnan ang lahat ng posibilidad para maingatan ang kaligtasan mo." Saad ni Ismael.
Natahimik sila pareho matapos ang usapang iyon. Nakatuon lang ang mga mata nila sa mga nagkakasiyahang mga tao. Natapos ang kasiyahan bandang alas-dos ng hapon at ang mga natira na lamang ay ang malalapit na kaibigan ng pamilya. Ang mga kalalakihan ay nasa isang gilid at nag-iinoman kasama si Roger at tila masaya ang pinag-uusapan ng mga ito hanggang sa isang kaibigan nito ang nagbukas ng topiko tungkol sa pagkawala ni Roger sa bayan nila.
"Roger, Pare, saan ka ba napadpad? Balita ko at kumakalat na balita rito, sumama ka raw sa isang babae, totoo ba 'yon?" Tanong ng lalaki. Lasing na ito at mukhang hindi na ito nakakaramdam kung tama ba o mali ang tanong niya.
Natahimik si Roger sa pagtawa nito, kasunod rin ng pagtahimik ng ilan pang kaibigan niya. Napatingin sila pare-pareho sa lalaking nagtanong at napakunot-noo naman si Roger.
"Anong sabi mo? May kumakalat na balita na sumama ako sa ibang babae?" Tanong ni Roger, nalukot ang mukha nito at nawala ang kaninang ngiti sa mga labi nito.
"Iyon kaya ang naririnig ko, sabi ng mga tsismosa doon sa palengke. Bakit, hindi ba totoo? Ano ba ang totoo?" Tanong nito na tila hindi pa rin nakakaramdam. Dumilim ang mukha ni Roger at akmang kukuwelyuhan ang lalaki nang pigilan siya ng iba pa niyang kaibigan.
"Tama na pre, lasing na si Rico. Hindi na niya alam ang sinasabi niya. "Awat ng isa pa nilang kaibigan. Marahas na napabuntong-hininga si Roger at padabog na nilisan ang mesa at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay. Nag-aalalang sumunod naman si Silma sa asawa at naiwang nagkakatinginan ang mga tao.