©NovelBuddy
Infinito: Salinlahi-Chapter 83
Chapter 83 - 83
Sa pagkakataong iyon ay napatango naman si Ador. Tahimik lang na nakikinig sa kanila si Tina. Wala itong naging reaksyon sa mga bagay na pinagtapat sa kanila ng matanda. Marahil ay alam na nito ang tungkol doon.
Nang gabing iyon ay naging payapa ang tulog ng mag-ama. Hindi na bumalik pa ang mga aswang kaya naging tahimik ang buong paligid. Sa muling pagsikat naman ng araw ay nadatnan nila ang bakuran na bakot ng bahid ng dugo. Wala na ang mga katawan roon at may mga bakas na animo'y kinaladkad.
Lumuhod si Dodong at imdumakot ng lupa bago ito bahagyang inamoy.
"Ano'ng naaamoy mo Dong?" Tanong ni Esmeralda.
"Ate, mga balbal. Tapos may naaamoy rin akong kakaiba. Usang nilalang na may dugong engkanto. Isang mamumugot." Sagot ni Dodong.
"Mamumugot?"
"Oo ate, kuraret ang tawag sa nilalang na iyon. Madalas siyang gabay ng mga matataas na uri ng mga aswang. May hatak-hatak siyang kariton na punong-puno ng mga ulo na siyang ginagawa niyang pagkain. Ang nakakapagtaka, may mga bahid ng dugo ng mga balbal sa lupa, asbo naman ang nakalaban natin kagabi. "
Napatingin naman sa paligid si Esmeralda. Paglabas naman ng bahay ni Liyab ay napatda ang tingin niya kina Dodong at Esmeralda.
"Kalaban ba ang mga kuraret?"
"Depende, may mga kuraret na nasa ilalim ng kasamaan at mayro'n naman walang pakialam, ang mahalaga lamang sa kanila ay ang kanilang koleksyon. Nagpapakita lang sila pagkatapos ng mga laban. Pinupugutan nila ng ulo ang mga namat*y at inilalagay sa kanilang kariton." Sagot ni Liyab habang papalapit sa kanila
"Liyab, gising ka na pala," puna ni Esmeralda.
Napangiti si Liyab. "Kanina pa akong gising, sadyang kinumusta ko lang ang mga naiwan natin sa Luntian. "
"Anong plano natin, susugod na ba tayo?" Tanong ni Dodong at napailing naman si Liyab.
"Naghahanda na ang hukbo ng mga engkanto, pero hindi pa rin natin alam kung ano-ano ang makakalaban natin. Mahirap sumugod nang hindi tayo handa. Ayokong malagasan tayo kahit isa."
"Sabagay tama ka Kuya."
"Liyab, posible bang maging kakampi natin ang isang kuraret?" Interesadong tanong ni Esmeralda. Sabay namang napalingon sa kaniya sina Liyab at Dodong. Parehong may kakatuwang tingin sa kanilang mga mukha.
"Malakas ba sila? Paano kung gamitin nating pabuya ang mga ulo ng kalabang makakasagupa natin?" Tanong ni Esmeralda.
"Hindi ko rin alam Esme, hindi ko pa nakakadaupang palad ang mga tulad nila. Ang alam ko lang, kakaunti na lamang silang natitira sa mundong ito. At hindi ko rin alam kung saan ba sila nanggaling. Ang alam lang namin, may dugong engkanto ang mga uri nila, kaya nilang tumawid sa mundo niyo patungo sa mundo ng mga engkanto nang walang kahirap-hirap, at kaya rin nilang maglakbay gamit ang lagusan." Paliwanag ni Liyab.
"Nakakaintriga kasi ang uri nila. Parang gusto kong magkaroon ng kaibigan kagayan niya. Kung may kabutihan naman sa puso nila, bakit hindi, 'di ba?" Sambit ni Esmeralda at nagpatuloy na sa pag-iikot sa paligid.
Nasa likod bahay siya nang marinig niya ang pagtawan ni Tatay Ador kay Tina. Mukhang nagising na ang mga ito at kasalukuyan nang nasa kusina para maghanda ng kanilang almusal.
"Naku, pasensiya na kayo at ito lang ang handa natin sa almusal. Magbuhat kasi na masakapo ang kabundukang ito, hindi nagaanong nabubuhay ang mga pananim ko. Lalo na ang mga kamote at mais. Tuluyan na yatang naaira ang lupa rito at pinagkakaitan na kami ng kalikasan." Saad ni Ador..
"Walang ano man ho 'tay, hayaan niyo at magdadala kami mamaya ng makakain natin sa tanghalian. " Wika naman ni Dodong.
"Aalis kayo?" Takang tanong ng matanda.
"Opo, maglilibot po kami sa paligid. Susubukan po naming tuntunin ang kuta ng mga aswang na iyon. "Sagot naman ni Liyab.
"Kung ang kuta ang hanap niyo, nasa dulo ng ilog, kataliwas nitong kinaroroonan namin. May malaking talon na bumabagsak paibaba, sa ibaba noon, ang kuta nila. Malalaman niyo naman dahil ang lugar na iyon ay tinakasan na ng buhay. Wala na ang mga puno hindi tulad dito sa itaas. " Wika ni Tatay Ador na kumuha ng atensyon nila.
"Nagtataka ba kayo bakit ko alam? Nakalimutan niyo na bang isa akong buyagan. May nahuli akong aswang noon at pinaamin ko siya gamit ang kakayahan ko. Tinuntun ko ang sinabi niyang lugar. Nakakatawang sabihin na muntik na akong takasan ng ulirat dahil sa takot. Napakarami nila, sinong t*nga ang lulusob nang mag-isa?" Pasimpleng tugon ng matanda.
"Hindi pa kaya sila lumipat?" Tanong ni Dodong. "Ang alam ko kasi kapag may nakakaalam na bg kuta nila ay lumilipat sila.".
"Hindi, hindi sila lilipat dahil sa isang kuweba, ang kuwebang iyon ay tila isang lagusan at mukhang sinisira nila iyon, hindi sila aalis hangga't hindi iyon nabubuksan. "
Agad silang nagkatinginan nang marinig ang tungkol sa lagusan. Iyon na marahil ang lagusang tinutukoy ni Ismael sa kanila. Ang lagusang kailangan nilang protektahan.
Dahil sa mga nalaman, nagpasya na silang umalis. Nangako naman silang babalik bago o matapos ang oras ng tanghalian.
Sinunod nila ang direksyong itinuro sa kanila ni Tatay Ador. Hindi sila dumaan sa unahan dahil ayon sa matanda ay may mga asbong nagbabantay roon at madali silang maaamoy ng mga ito kahit umaga.
Tahimik silang naglalakad sa likurang bahagi ng ilog, kung saan mas makapal ang mga puno at mas malamig ang hangin.
Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang paglalakad nang makarinig sila mg kaluskos. Tila ba may nakasunod sa kanila. Marahas na nilingon ni Esmeralda ang kanilang pinanggalingan, subalit wala siyang nakita. Kahit si Liyab ay napalingon na rin at sinisipat ang bawat sulok ng kagubatang tinatahak nila.
Nang wala silang maaninag na kahit ano ay nagpatuloy na sila sa paglalakad.
"Naramdaman niyo ba iyon? Pakiramdam ko may nakasunod talaga sa atin." Mahinang wika ni Esmeralda.
"Magpanggap lang kayong walang napapansin, ako na ang bahalang humuli sa kaniya." Bulong ni Liyab.
Tulad ng sinabi ng binata, nagkunwari silang walang alam at nagpatuloy sa paglalakad. Mula sa isang parte ng gubat ang maliit na anino ng isang nilalang ay nagkukubli sa isang malaking puno. Mahina at mabilis ang paghinga nito, animo'y kinakabahan. Nakahawak sa katawan ng puno ang kaniyang marumi at maliit na kamay, ang mga daliri niya ay may natuyong dumi na parang nagmula sa d*go.
Sa kaniyang muling pagsilip ay napansin niyang wala na ang isa sa sinusundan niya. Bago paman siya makahuma, isang kamay ang humawak sa kaniyang balikat na nagpasigaw sa kaniya.
"Sino ka? Bakit ka nakasunod sa amin?" Tanong ni Liyab. Sa kaniyabg harapan, kitang-kita niya kung paano takasan ng kulay ang mukha ng bata. Isa itong batang babae na sa pakiwari niya ay kaedaran lang ni Dodong, maliit ang pangangatawan nito na tila ba hindi nakakakain nang mabuti, madungis rin ang buo niyong katawan, mula ulo hanggang paa. May hindi kaaya-ayang amoy rin ang nagmumula sa katawan ng bata.
Tumingala ang bata at doon bumungad sa binata ang nakasara nitong kaliwang mata, may mahabang hiwa doon at tila ba dinukot mula roon ang kaniyang mata.
"Pupuntahan niyo sila, sasama ako. Ililigtas ko ang kaibigan ko." Sabi ng bata. Walang takot na nababakas si Liyab mula rito. Bagaman naririnig niya ang mabilis na tibok ng puso ng bata, wala roon ang takot.
"Liyab, nahuli mo ba?" Tanong ni Esmeralda habang patakbong papalapit sa kanila.
Napalingon naman si Liyab at nakita niyang nakarating na sina Esme at Dodong sa kanilang kinaroroonan.
Agad na napansin ni Esmeralda ang bata na nakaharap kay Liyab.
"Isang bata? Taong bata, bakit siya nandito?"
"Narinig ko kayong nag -uusap, patungo kayo sa teritoryo ng mga aswang. Nais kong sumama, kailangang mailigtas ko ang kaibigan ko. Pakiusap, isama niyo ako." Pagmamakaawa ng bata.
Napailing naman si Liyab at matamang napatingin kay Esmeralda. Nagtama ang kanilang mga mata at nagtanguan.
"Mukhang kailangan nating magbago ng plano, Dodong babalik tayo sa bahay nila tatay Ador. Hindi puwedeng isama natin nag batang ito." Wika ni Esmeralda.
Agad namanf nataranta ang batang babae at mabilis na lumuhod.
"Pakiusap, isama niyo ako." Giit nito. Mabilis na niyuko ni Esmeralda ang bata at pinatayo ito.
"Bata, hindi puwedeng ganiyan ka, kung sasama ka, mabilis ka nilamg maaamoy dahil sa lagay mo. Kailangan mong maglinis ng katawa, kaya tayo babalik sa pinanggalingan namin." Paliwanag ni Esmeralda.
"Tama si Esmeralda, tumayo ka na at magsimula na tayong maglakad pabalik. Marami kang ipapaliwanag sa amin mamaya. Dong, mangaso na rin tayo habang nasa daan para may maiulam tayo hanggang hapunan."
"Sige Kuya Liyab."
Dahil sa hindi inaasahang pagdating ng batang babae ay pinapagliban muna nila ang kanilang misyon. Sa daan naman ay nakahuli sila ng bayawak na saktong aabot na hanggang umagahan nila. Malaki iyon subalit dahil sa liksi at lakas ni Dodong ay walang kahirap-hirap nitong nahuli ang hay*p.
Pagdating nila sa bahay ni Ador ay nagulat pa ito nang makita sila.
"O, bakit ang aga niyo yatang nakabalik?" Napabaling naman ang matanda sa batang babae at nangunot ang noo nito. "O bakit may bata kayong kasama, sino siya?" Tanong ni Tatay Ador at noon lang din nila naalala na hindi pa pala nila natatanong ang pangalan nito. ƒгeewebnovёl.com