Infinito: Salinlahi-Chapter 64

If audio player doesn't work, press Reset or reload the page.

Chapter 64 - 64

Nang marinig ni Esmeralda ang sagot ng matanda ay muling kumunot ang kaniyang noo. Dahil ang tinutukoy ng matanda ay ang kuwebang malapit sa bahay nila sa kagubatan. Iyon din ang kuweba kung saan niya tinatago ang mga mutyang kaniyang nakukuha sa mga aswang na kaniyang napapat*y.

"Paano niyo po nalaman ang tungkol sa lugar na iyon Lola?"

"Isang panaginip, tama,isang panaginip ang siyang dahilan kung bakit ko nalaman ang tungkol sa lugar na iyon. May malakas na selyo iyon na hindi kayang sirain ng kahit na sino." Sagot naman ng matanda.

Natahimik naman si Esmeralda at muling namayani ang pagdududa sa kaniyang pagkatao. Tumango lang siya at saka nagpaalam na sa mga ito.

"Ate, ano sa tingin mo?" Tanong ni Dodong habang pabalik na sila sa bukid.

"Hindi ko pa alam Dong, nagdududa ako pero nawawala naman iyon kapag nagsasalita siya. Hayaan muna natin, pasusundan ko sila sa mga kaibigan nating engkanto." Wika ni Esmeralda at agad na nag-usal nang pabulong sa hangin. Muli na silang bumalik sa kanilang ginagawa at saglit na tinapunan uli ng tingin ni Esmeralda ang mga ito. Maya-maya pa ay nakita niyang umaalis na ang mga ito kaya naman mabilis siyang nagpalipad-hangin. Matapos ay isang buntong-hininga naman ang kaniyang pinakawalan at binalikan na ang kaniyang ginagawa.

Ngunit hindi pa man nagtatagal ay biglang bumalik ang malamig na ihip ng hangin, kasabay ng bulong na tila nagdadala ng balita. Napalingon si Esmeralda, at sa pagdapo ng hangin sa kaniyang balikat, ay dumampi rin dito ang tinig ng isa sa mga engkanto.

"Tunay na umakyat sila sa kabundukan ngunit lumihis sila ng landas at hindi doon sa kuweba. Hindi pa namin mawari kung sadya o baka naliligaw lang sila."

Napakunot-noo si Esmeralda. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya .

"Hindi ko pa matiyak," sagot ng engkanto. Muli siyang napabuntong-hininga, mas malalim na ngayon, habang unti-unting nababalot ng pagkabahala ang kaniyang dibdib.

"Bakit ate, may balita ka na bang nakuha?" Tanong ni Dodong nang lumapit na ito sa kaniya.

Tumango si Esmeralda, ngunit hindi agad sumagot. Sa halip, hinayaan niyang lamunin muna siya ng katahimikan habang pinakikiramdaman pa ang mga bulong ng hangin.

"May kakaiba, Dong," sa wakas ay sambit niya, mahina ngunit puno ng bigat ang tinig. "Hindi sila dumiretso sa kuweba. Hindi pa nila alam kung naligaw lang o... sadyang may gustong iwasan ang mga taong iyon."

Napakamot sa batok si Dodong, bakas ang pag-aalinlangan. "Kung hindi sila dumaan sa kuweba, saan naman kaya sila patungo?"

Tumingin si Esmeralda sa malayo, sa direksyong tinutumbok ng ihip ng hangin. "Hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, may gumagabay sa kanila at hindi iyon, basta-basta dahil hindi ko iyon naramdaman."

"Sa palagay mo, may ibang puwersang nakikialam?" usisa ni Dodong, unti-unting nagiging seryoso.

"Oo, at iyon ang mas nakakatakot," sagot niya. "Kapag ang daan ay biglang nagbabago, madalas ay may kamay ng mas matandang nilalang na kumikilos sa likuran."

Napatingin si Dodong sa paligid, tila inaasahan na may lalabas mula sa mga aninong gumagalaw sa likod ng mga punongkahoy.

"Ano'ng gusto mong gawin, Ate?"

Huminga nang malalim si Esmeralda at muling inusal ang pangalan ng hangin. "Pasusundan pa rin natin sila, nang palihim. Kung may lihim silang tinatahak, kailangan nating malaman bago pa mahuli ang lahat." Muli siyang nag-usal ng palipad-hangin upang ibigay ang utos niya sa mga kaibigan nilang engkanto. Umihip ang malakas na hangin at tila bahagya itong umikot sa kanila bago ito tuluyang kumawala. Sabay pang napasunod ang tingin ni Dodong at Esmeralda sa tinahak ng hangin at patungo iyon sa kabundukan na minsan nilang tinirhan.

Kinahapunan, nagdesisyon si Dodong at Esmeralda na pumunta sa palengke, dumaan muna sila sa bahay ni Armando upang isabay na rin ang ipapabili ng mga ito.

"Ayos lang ba Esmeralda? Nakalimutan ko kasing bumili kanina, mabuti na lang at papunta rin kayo roon ngayon." Wika ni Silma. Napangiti naman si Esmeralda at tumango. Bahagya pa rin siyang naiilang sa ugaling pinapakita ni Silma pero kahit papaano ay masaya na rin siya dahil, nakakausap na rin niya ito nang hindi sumisinghal o sumisigaw.

"O, ito, Dalawahing kilo mo na ha at iiimbak ko na lang dito sa freezer," muling wika ni Silma habang inaabot ang pera sa dalaga.

"Sige po Tiya, iyon lang po ba ang bilin niyo, baka may iba ka pa pong ipapabili." Wika ni Esme at ngumiti naman si Silma.

"Wala na Esme, sige na para hindi kayo gabihin ni Dodong." Sambit naman ni Silma at nagpaalam na si Esmeralda rito.

Sa daan naman, hindi maiwasang hindi punahin ni Dodong ang malaking pagbabago sa ugali ni Silma.

"Grabe, ang bilis namang nagbago ng hangin ate, anong mabuting hangin ba ang sumapi kay Tiya Silma para magbago ng gano'n. Parang isang gabi lang nag-ibang tao agad siya."

"Hayaan mo na, mabuti nga at mabait na siya sa atin. Wala nang magbubunganga sa atin. Ayaw mo ba noon?"

"Syempre gusto, kaso ate, medyo nakakailang pala no, dati kapag nakikita niya tayo, kulang na lang ipagtabuyan niya tayo na kala mo aso tayong may galis. Pero ngayon, todo ngiti pa siya." Napapailing pa si Dodong habang sinasabi ito.

Napangiti lang si Esmerald ngunit umimik.pagdating sa palengke ay namili na sila ng kanilang mga kailangan. Nasa kalagitnaan na sila ng pamimili ng bilin ni Silma nang makita nila ang isang matandang babae na tila ba nagtatanong ng direksyon sa katabing tindahan.

"Mawalang galang na, pero may kilala ba kayong manggagamot o albularyo sa lugar na ito?" Tanong ng matanda. May kasama rin itong babae na sa pakiwari ni Esmeralda ay nasa edad lang ng Tiya Margarita niya. Nakaalalay lang ito sa matanda ngunit hindi ito nagsasalita. Tila ba nagmamasid lang din ito sa paligid nila.

"Aba oho, nag-iisa lang namana ng albularyo sa bayan namin at kilalang-kilala po ang pamilya nila rito. Mangpapagamot ho ba kayo?" Tanong naman ng tindera.

"May ikukunsulta lang kami. Maaari mo bang ituro sa akin ang bahay nila?" Tanong ng matanda at sakto namang paalis na sila at nakita sila ng tindera kaya agad silang tinawag nito.

"Aba'y tamang-tama, Esme, may naghahanap sa amang mo. Lola, iyan po ang apo ni Ka Armando at anak ni Ismael na albularyo sa bayang ito." Pakilala naman ng tindera.

"Magandang hapon ho, ako po si Esmeralda. Hinahanap niyo po si Amang?"

Tila parehong naestatwa naman ang dalawa habang nakatingin sa kaniya. Matapos ay nagkatinginan ang mga ito at agad na ginagap ng matanda ang kamay niya. Nagulat naman si Esmeralda sa ginawa nito ngunit hindi naman siya nakaramdam ng pagkailang rito.

"Anak ka ng albularyo? Maaari mo ba akong dalhin sa kaniya, apo?" Tanong ng matanda, agad namang tumango si Esmeralda at saka inakay na ito patungo sa sakayan ng traysikel.

Nang marating nila ang bahay ng kaniyang Lolo ay gumala naman doon ang paningin ng matanda. Tumatango-tango pa ito habang ang kasama nitong babae ay napapangiti.

"Pasok ho muna kayo Lola Haraya," alok ni Esmeralda. Pinapasok niya ito hanggang sa kubo at pinaupo ang mga ito sa mahabang upuan na nasa labas.

"Dodong, samahan mo muna sila at tatawagin ko lamg sina amang. Kumuha ka na rin muna ng tubig sa loob baka kasi nauuhaw na sila." Utis ni Esmeralda at sabay na silang pumasok sa loob ng bahay. Saglit lamg niyang idinaan kay Silma ang pinabili nito bago niya kinatok si Ismael sa silid nito.

"Bisita, ng ganitong oras? Matanda ba kamo?" Tanong ni Ismael matapos maipaliwanag rito ang lahat.

R𝑒ad lat𝒆st chapt𝒆rs at free𝑤ebnovel.com Only.

Tumango lang naman si Esmeralda at lumabas na rin sila. Naabutan pa nilang umiinom na ng tubig ang mga ito at nakangiting kinakausap si Dodong.

"Magandang gabi ho, hinahanap niyo raw po ako?" Agad na bungad ni Ismael sa mga ito.

Tumayo naman ang matanda at uugod-ugod na lumapit kay Ismael.

"Hijo, maaari ko bang mahawakan ang kamay mo?" Tanong ng matandang si Haraya. Bagaman nagtataka ay kusang loob na binigay naman ni Ismael ang kaniyang kamay sa matanda.

Hinimas-himas ng matanda ang kamay ni Ismael at tila ba may pinakikiramdaman dito. Maya-maya pa ay tila napatda na ito sa paghawak sa kamay ni Ismael. Hanggang sa bigla na lamang itong napaluha.

"Nadya, Nadya, nakita na natin sila." Lumuluhang wika nito. Magkahalo ang saya at sabik sa boses at mukha ng matanda. Ang kasama naman nitong babae na tinawag niyang Nadya at napaluha na rin.

"Mawalang galang na po pero ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ni Ismael at nagpahid ng luha ang matanda.

"Ikaw ang matagal na naming hinahanap. Lahat ng bayan ginalugad na namin, lahat ng albularyo sinubok na namin. Pero tanging ikaw ang nagpakita ng katulad sa aking mga pangitain." Sagot naman ng matanda.

RECENTLY UPDATES